Monday, February 25, 2013

Bothered

Have you ever been torn between two lovers? Charot! HAHA, hindi ko alam kung yun ba ang tawag sa situation ko ngayon, pero kasi I just had 2 confessions from 2 different guys (of course, 2 nga diba) yesterday. Then I dumped them both and now I feel guilty as hell! Ugh >< Masisisi nyo ba ako? E sa ayokong paasahin sila e. Well, I liked both of them naman e. Yup, LIKED. PAST TENSE. Meaning nagustuhan ko sila at ngayon wala na. That was just a simple crush that any moment the feeling would fade away kaya nga hindi ako nagbibigay motibo na mas mafall sila sa akin. Friendly talaga ako, I know that chos! Pero I never thought na yung pagiging friendly ko magkocause na mahalin nila ako! Geez. Ikaw ba naman, mag confess sila sayo in the same day na MAHAL ka na daw nila. I was whaaaaaaat? Hindi pa nga kame nagkakaroon ng bonding moments o yung ''getting to know you'' stage e mahal na nila ako? And that I don't believe. Tsk tsk. Kaya nga I turned them down para walang gulo. Yung isa sabi niya mahal na niya ako dati pa at alam niyang totoo yun at seryoso siya kasi yun ang nararamdaman niya! No no no! How could you love someone when you don't even had the chance to be with him/her? Tell me! Love nga naman ngayon kaya ayan, madaming nasasaktan. I was hurt many times kaya I'm very careful ngayon. Kaya nga kung magboboyfriend ako e sisiguraduhin kong kame na talaga. Tsss, kaya ang sabi ko sa kanya hanggang friendship na lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Yung isa naman, nainlove daw siya sa akin kasi simple daw talaga ako at walang arte sa katawan. Wooow, flattered ako. ^^ Pero kahit naflaflattered ako, kailangan ko paring maging diretso sa kanya at sabihing friends na lang talaga besides hindi pa namin kilala ang isa't isa. Buti nga yung friends atleast nagtatagal at masasabi mong pang forever kasi walang break break diba? Buti naman at pumayag sila, kaya ngayon hindi muna ako nagpapahalatang online ako sa facebook baka mamaya, ichachat na naman nila ako. Ang kulit lang kasi, yun yung kinaiinisan ko pwera na lang kung crush ko talaga sila e okay lang. Hihihi. Ikaw ba, kung kukulitin ka ng crush mo maiinis ka? Kung oo, sasabunutan kita! HAHA.

Anyways, I know what I did is right, naging straight-forward ako. Para sa kanila naman yun e, masasaktan nga sila pero kung patatagalin ko pa, mas masasaktan sila. When you love, masasaktan ka naman talaga diba? Pain and hurt is part of loving. Kaya kung ako sayo wag ka na magmahal, joke! Lahat tayo nagmamahal kung sabihin mong hindi, liar ka! :)p Amp naman, kahit na naging diretso ako, there's still guilt inside e. Ikain ko na lang kaya to? :) buh bye!

No comments:

Post a Comment